BALAng Araw…

Nitong mga nakaraang buwan, medyo nag lay-low na din ako sa pagiging critical sa gobyerno, tutal two months na lang naman si PNoy. He’ll be out of our hair soon and we’ll be out of his hair na din (pardon the pun) Na-realize ko, nakaka-stressed lang maging reklamador. Balewala din naman sa mga taong tinitira mo.

Medyo positive na nga ako ngayon. Nageeffort na ako maging optimistic at hopeful sa magiging future ng ating bansa. Alam kong mapupunta din tayo doon. BALAng araw…

Pero pagbigyan ninyo na ako. Tutal two months na lang. Pagbigyan ninyo ako, kahit isang hirit lang.

Isa lang naman ang  masasabi ko tungkol sa administrasyong ito: BALA.

Nitong huling taon ng 2015, Nobyembre. Lumantad ang isyu sa publiko na may nagtatanim ng BALA sa NAIA. BALA sa NAIA. Only in the Philippines! Sadyang may mapaglaro lang talagang engkanto sa airport na nagtatanim ng bala sa bagahe mo. Ang nakakatuwa pa, malalaman mo lang yun pagkalabas ng bagahe mo sa X-ray machine. MAGIC! May bala ka palang souvenir mula sa pinanggalingan mo?!

Hindi lang ikaw ang biktima e. Pati mga turista galing pang ibang bansa, hindi sinasanto. Na-feature na din tayo sa CNN, Fox news at iba pang international news dahil dito. May Amerikano pa ngang nag-publish ng blog post on “4 Effective Tips to Curb Laglag Bala in NAIA”

Collective shame natin ‘to. Kahit Ninoy Aquino International Airport ang pangalan niyan in honor of our president’s late father na namatay dahil sa bala sa ulo, pero para sa ibang bansa, ito pa din ay kilala bilang airport na nasa Pilipinas.

Ano’ng nangyari? Pakinggan mo na lang ang mga salitang ang sarap pakinggan. Probe. Investigate. “Watch the Watchers”. Pero hanggang doon lang tayo. Di na siya mainit. Di na siya trending. Siguro dahil lagi tayong sawi sa ating mga lovelife at madalas nating pinipilit ang sarili na mag-move on, mas mabilis na din tayong mag move-on mula sa mga isyung pa-tungkol sa lipunan.

April 01, 2016. Kidapawan. Nag-protesta ang mga magsasaka, ang mga magtatanim ng ating bigas, dahil wala na silang pangkain sa kanilang mga pamilya. Ano ba ang laban nila sa Kalikasan? Ano ba ang naging paghahanda natin sa El Nino? Sa halip na pakinggan ang kanilang hinaing, BALA at dahas ang sumalubong sa kanila.

April 01. Nakakalokong isipin. Ang mga “nagtatanim” ng BALA sa NAIA, sindikato o opisyales, hindi man lang nakasuhan. Walang nasibak. Wala man lang pray-over kung engkanto ba yan o ano.

Pero ang mga totoong nagtatanim ng bigas na nagiging kanin na kinakain mo ngayon,  pinaulanan naman ng BALA.

Kidapawan. Hacienda Luisita. Lupao. Mendiola.

Ani ng iba, komunista ang nasa likod ng mga yan. Etong mga NPA na ‘to. Mga balakid sa pagbabago. Hindi ninyo sana sila makukumbinse magprotesta kung wala silang hinaing at pangangailangan sa simula pa lang. Hindi ninyo sana sila ‘maloloko’ na ibuwis ang kanilang buhay sa pagpoprotesta kung sila ay ‘kuntento’ na sa kanilang pamumuhay. Bakit ba kasi kayo mga sawsawero’t sawsawera?

Anim na taon. Simula pa lang daw ang Tuwid na Daan. Madami pa tayong kakaining bigas para makamit ang tunay na ginhawa. Sana hindi lang pinagpapapatay ang ating mga magsasaka.

Mr. President, narerecognize ko naman na mabuti ang iyong intensyon *hindi na ako sarcastic at this point on* Pinilit ka nilang tumakbo, kahit ayaw mo naman sa simula, at ginawa mo naman ang iyong makakaya. Na-appreciate ko yun at kinikilala ko naman ang iba sa mga magaganda mong ginawa, ang pagiging masipag at mahusay ng ibang kawani ng iyong gobyerno.

Nakakalungkot isipin na nabalewala ang competence nila dahil sa gross incompetence ng iba. Dahil malambot ang iyong puso, kahit alam mong may pagkukulang sila, hinahayaan mo lang na sila na ang bumitiw. One More Chance, nga diba?

BALAng araw, sana ma-realize mo…hindi lahat makakamove-on sa mga isyu na ‘to. BALAng araw, sana hindi maabutan ng mga magiging anak ko ang ganitong klase ng pamumuno.

hindi bala



0 thoughts on “BALAng Araw…”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *